Lunes ng umaga, tirik na ang araw subalit ako'y nahihimbing pa rin sa aking higaan. Ito ang unang araw ng kalbaryo para sa mataas na marka. Ito ang unang araw ng pagdaluyong sa mga nakakasulasok na anyo ng pagsusulit.
(Tumunog ang alarm clock.)
Naalimpungatan ako. Marahan kong idinilat ang talukap ng aking mga mata. Pinatay ko ang alarm clock. (O, ayan, makakatulog na ulit ako. Wala ng istorbo. Zzzz)
Ako ang tipo ng estudyanteng hindi nagrerebyu sa gabi. Ang karaniwang ginagawa ko ay isini-set ko ang alarm clock ng madaling-araw, gigising para patayin ang orasan, pagkatapos ay matutulog na ulit.
Magigising ako 'pag sobrang late na ako. Magmamadali akong kakain ng agahan at maliligo sa banyo. Ipapaplantsa sa tita ko ang aking uniform tapos isang oras na aayusin ang sarili sa harap ng salamin.
(Mabilis akong kumilos kapag huli na ako sa klase lalo na't may nakatakdang pagsusulit. Sa mga araw na ito, hindi ko na kailangan ng ehersisyo dahil kumakain na ng sangkaterbang calories ang aking mabilisang pagkilos. Ngunit kahit anong bilis ng aking pagkilos, late pa rin asusual. :c )
Bago ko lisanin ang bahay, may mga eksenang papasalihin pa ako ng B.I. kong mga tita para sumali sa Bingo. Minsan, aasikasuhin ko pa ang nakababata kong kapatid na nagtatago sa mga sulok ng bahay sa pag-aakalang hindi ko siya makikita, tapos hindi na siya makakapasok. Pero siyempre wais ako! Siya muna ang papapasukin ko tapos saka na ako aalis ng bahay.
Minsan, inihahatid ko pa sa paaralan ang aking kapatid. Ilang metro lang ang layo ng eskwelahan nila sa aming bahay, pwede nang lakarin. Pwede mo pa ngang gapangin eh. (Promise.)
Ooops, may nakalimutan ako! Siyempre hindi dapat makalimutan ang aking baon. Bago ako bigyan ng mahal at butihin kong ina, kailangan ko mong kumbinsihin siya tungkol sa kahirapan ng Pilipinas at ang suliraning pampinansyal na hinaharap ng ekonomiya. Grabe, parang debate bago dumampi sa aking kamay ang isang daang piso! Minsan, 'pag alam kong may barya pa siya sa bulsa, hihingi pa ako ng pamasahe. At alam mo ang idinadahilan ko? Barya lamang sa umaga.
Pagkatapos, papara na'ko ng traysikel patungong Pier. Kalimitang sa likuran ako ng sasakyan sumasakay dahil kapag matuling magpatakbo ang drayber, may libreng hairstyle ako!
Sa Pier, sasakay ako ng dyip papuntang SM Manila o kaya Quiapo. Pero sa mga araw na superlate na ako, siyempre diretso SM na 'ko! Nakakatuwang dumaan sa SM kaysa sa Quiapo 'no!
Apat na beses sa isang linggo, naka-uniform ako. (P.S. Marine Transportation ang course ko. Nai-imagine niyo naman siguro kung anong hitsura ng uniform ko 'di ba?) Maangas ako kung maglakad. Maraming lumilingon sa akin. Astig daw! Cool.
Sandali kong nalalanghap ang bango ng aircon sa loob ng SM dahil kailangan ko ng magmadali sa pagpasok. Sa likod ako ng SM sasakay patungo sa aking pamantasan. Makakasabay ko ang mga estudyante ng CEU, NTC, San Sebastian at mga empleyado ng mga softdrinks corporationpamantasan.
At last, papara ako sa harap ng gate ng TIP. Isang tawid na lang at makakapasok na ako sa aking minamahal na paaralan. Kukunin ko sa loob ng bag ang aking ID para isungalngal sa mga epal na guards. Minsan kung mamalas-malasin talaga, hahalungkatin pa nila ang laman ng bag ko. Makikita nila ang aking beauty kit sa loob! OMG, may baby powder, lotion, perfume, suklay, candy wrapper, USB flash disc, file case at G-tec.
'Pag pinalad na makalampas sa stage na iyon, titingala ako. Dahil sa pagtingala ko, masisilayan ko ang higante at mahiwagang orasan na nakasabit sa dingding ng congregating area. Iyon ang magpapaalala sa akin na ako'y late na!
(99% ng pagkakataon, napapamura ako kapag napapatingala ako. "Putik!" ang paborito kong mura.)
Kahit late na 'ko, dadaan muna ako sa CR para mag-retouch. Pagkatapos, iinom sa drinkingfountain tapos maglalakad sa catwalk ng study area. Nakayuko ako kapag maglakad kasi medyo shy type ako. (Don't worry, hindi siya halata. Lalo na kapag nakakita ako ng pagkain.)
In the end, tatambay na lang ako sa school publication office para ayusin ang aking pendingarticles at tuluyang liliban sa aking klase. But wait, dahil examination week ngayon, ipe-pursue kong makapasok ng klasrum sa ayaw at sa gusto ng aking prof!
Punctuality is the name of the game. In my seventeen years of existence on Earth, hindi ko pa rin alam ang time management. Oo, kahit yata ang spelling n'un hindi ko alam eh. (Swear!)
Ito ang karaniwang nagaganap sa aking pang-araw-araw na pamumuhay. Ordinaryo para sa akin ngunit kakaibi para sa'yo. (Hindi ba?)
na may planta malapit sa aking

0 comments:
Post a Comment