Ika-26 ng Hunyo taong 1997 -- ipinanganak si Angelo Sumiguin-Maclang sa Ospital ng Makati. Walang pagsidlan ang galak na nararamdaman ng mag-asawang Beth at Ato sa pagsilang ng sanggol. Tuwang-tuwa sila. (Malamang, anak nila 'yun eh.)
Samantala, himbing na himbing ako sa papag. Hindi ko man lang namalayan na nagkaroon na pala ako ng nakababatang kapatid. Anim na taong gulang pa lamang ako nu'n pero karapatan ko rin namang malaman na manganganak na ang nanay ko! Buti na lang hindi pa ako marunong magmura nu'ng mga panahong 'yun, kung hindi baka nakapag-amok pa ako nu'n!
Bata pa lamang ako, pangarap ko nang magkaroon ng nakababatang kapatid. Naiinggit ako sa aking mga kababata, tinatawag silang Kuya ng mga kapatid nila. Gusto ko ring matawag na Kuya, feeling ko a dream come true 'yun para sa'kin!
Isang araw, napansin kong malaki ang tiyan ng nanay ko. Kinabahan ako. Hindi ko iyon pinansin hanggang sa lumipas ang mga araw, hindi na lumiit ang kanyang tiyan bagkus lalo pang lumalaki. Confirmed na, preggy si momsy!
Nu'ng inuwi si Angelo sa aming bahay, naghanda ako ng upuan. Para masilayan ko ang kanyang mukha in case na kargahin siya ni Papa nang nakatayo. Pero nawalan ako ng gana dahil naging tampulan siya ng epal naming mga kapitbahay. Kinurot, binuhat, nilamukos nila ang buong katawan ng kapatid. Badtrip ako nu'n pare!
Hanggang sa ipinasok sa bahay si Angelo. Ang kyut niya promise! Pero sabi sa'kin ng tambay sa kanto, lahat ng beybi kyut, 'pag lumaki na sila pangit na. Hindi ako naniniwala dun.
Isa pa, binago ako ni Angelo. Noon, minamahal ko lamang ang sarili ko. Hindi ko binibigyan ng kendi at sorbetes ang aking mga kalaro. Ngayon, isusubo ko na lang, ibibigay ko pa sa kanya.
Akala ko masarap magkaroon ng nakababatang kapatid. Sa una lamang pala. Pinapalo ako ni Mama sa tuwing tatangkain kong buhatin ang aking kapatid. Ewan ko sa kanya! Masama bang buhatin ang kapatid ko? Grabe, para siyang bula na bawal hawakan dahil puputok.
Naging busy ako nung nagkaroon ako ng kapatid. Naging professional brother ako sa kanya. Tanghali ako umuuwi sa bahay at tungkulin konng patulugin si Angelo. Music class ang last subject ko kaya lahat ng pinag-aaralan namin sa klase, ginagawa kong lullaby para patulugin siya. (Paborito ko 'yung Pamulinawen.)
Minsan, nabubugnot ako kapag ayaw matulog ni Angelo. Lalo na kapag kinakatok na ako ng aking mga kalaro para magpunta sa palaruan. Ang gagawin ko, tatakutin ko si Angelo. Sisigaw ako at sasabihin kong may multo sa likuran niya. Yayakap siya sa akin at iiyak. Hihimasin ko ang kanyang likuran hanggang sa tumahan siya. Ilang minuto lang, makakatulog na 'yun tapos makakamtan ko na ang kalayaang aking inaasam.
Sa una, masarap mag-alaga ng kapatid. Ngunit kalaunan hindi ko na nagustuhan ang hinihingi ng tadhana. Nang lumaki si Angelo, nandiri na ako sa kanya! Pinapakyu ko na nga 'yun eh! Perwisyo na siya sa paningin ko!
Not yet convinced? Sige, ililista ko ang mga bagay na kinaiinisan kay Angelo. Heto 'to:
1. Kapag inuutusan ko siyang bumili ng wax sa pinakamalapit na tindahan, sasabihin niya tinatamad daw siya. Pero hindi siya tinatamad humawak ng tako at tirahin ang mga pitsa sa kanto. Sasabihin ko; "Sige, ikaw na lang ang maging kuya ah!" (Sabay walk out.)
2. Kapag may pagkain ako, binibigyan ko siya 'pag humihingi siya. Pero 'pag siya ang may pagkain at ako ang humihingi, hindi niya ako bibigyan. Sasabihin ko, "...binigyan kita dati ah?" Sasabihin niya, "Kailan?" tapos sasagot ako ng "Kahapon. Ng mani." Tapos sasabihin niya, "Kahapon 'yun, hindi ngayon!" (Sabay didilaan niya ako at tatakbo.)
3. Kapag nagkapikunan, papaluin ko siya sa puwet. Pag wala sina Mama, iiyak lang 'yun tapos saka tatahan na lang bigla. Pero 'pag nasa bahay si Mama, gaganti 'yun. (Take note, mas malakas pa kaysa sa palo ko ah.), pagkatapos tatakbo sa likod ng tatay niya (ng tatay pala namin) tapos magtatago siya du'n hanggang sa lalo akong mainis sa kanya. May matching pangangasar pa 'yun tas dila-dila effect.
4. Kapag mayroon akong ginagawa tapos mag-uutos si Mama na bumili ng ulam, ituturo ko siya tapos ituturo niya rin ako. Mag-aaway kami tapos aawatin kami ni Mama. In the end, siya ang talo kasi sa kanya rin iaatang ang tungkulin para bumili ng ulam sa karinderya ni Aling Sista. Pero assuming lang talaga ako dahil sa huli, ako pa rin ang talo dahil bibili lang siya ng ulam para sa kanya at para kay Mama. Ayun, lalabas din ako ng bahay para bumili ng sarili kong ulam! Putik na 'yan!
5. Kapag nagbabawas ako ng sama ng loob sa kubeta, sisilipin niya ako at ipagsisigawan sa mga kapitbahay na "Tumatae si Kuya! Ang baho!!!" Naiimbyerna ako sa kanya at mawawalan ako ng gana, bibilisan ko ang pagtae dahil ilang minuto lang at magtatawag 'yun ng mga kaibigan niya para ipagmalaki ang kuya niyang tumatae. (Nakakainis 'di ba? Hindi man lang niya ako binigyan ng privacy.)
6. Minsan, kapag nagsisimba ako, isinisama ko siya. Pagkatapos namin magsimba, kakain kami sa labas at ipapasyal ko siya sa loob ng SM. Feeling mo okay na? Hindi rin, kasi kapag nasa escalator kami, mangungulangot 'yun tapos ipupunas sa balat ko. Shocking 'di ba? Nakakahiya sa madlang people.
7. Kapag nag-aaway kami, hindi siya umiiyak kapag pinapalo ko siya. Pero 'pag nagkataong dumating sina Mama tapos nahuli kami sa aktong nag-aaway, iiyak 'yun ng sobrang lakas tapos magsusumbong kina Mama. Punyeta! Ang bata-bata pa lang, wais na!
8. Kapag binubuksan niya ang kahon ng kanyang laruan, hindi niya iyon ililigpit at hahayaan na lang na nasa sahig. Ipapaligpit sa akin ni Mama tapos pagagalitan ako dahil hindi raw ako marunong maglinis ng bahay. Kung puwede lang ibigti ang kapatid ko, ginawa ko na.
9. At higit sa lahat, pinapakealaman niya ang mga gamit ko. Sinusulatan niya ng kanyang pangalan at nagdro-drawing sa mga pahina ng notebook ko. Pipilasin niya kapag hindi niya nagustuhan tapos sa huli, lagas-lagas na ang notebooks ko tapos iilang pahina na lang ang natitira. Minsan, susubukan niya pang i-spray sa kanya ang pabango ko tapos kapag pinagpawisan sa paglalaro, babalik sa kuwarto ko tapos mag-i-ispray ulit hanggang sa maubos na lang! Nakakainis.
Iilan lamang iyan sa mga kasalanan sa akin ni Angelo. Naaalala ko pa nung bata ako, kailangan kong magpakalbo dahil lumalala na ang galis ko sa ulo. Pinakalbo ako ni Mama sa takot niyang baka mahawaan si Angelo. Naligaw din ako sa pag-uwi ng minsang hindi ako nasundo ni Mama dahil isinugod sa ospital si Angelo. Buti na lamang at kalbo ako nun kaya madali akong nahanap nina Mama! Ipinagtanong lang nila sa mga tao kung nakakita sila ng kalbong bata at presto! Nahanap nila ako sa flag pole na natutulog.
Ngunit hindi ko pinagsisisihan na nagkaroon ako ng kapatid. Binigyan niyang kulay at saysay ang aking buhay. Pinapatawa niya ako sa panahong hindi ko na kayang ngumiti. Sa ngayon, grade five na siya. Ngunit, pinagtataguan niya pa rin kami sa tuwing sasapit ang oras ng pagpasok sa eskuwela. Pero as usual, nahahanap pa rin namin siya. Kung kinakailangan kong habulin siya, hinahabol ko.
Minsan nag-aalala kami sa kanya nu'ng tinangka niyang maglayas. Pinagalitan siya ni Mama isang gabi dahil hindi siya kumain maghapon. Ayun, dumating ako alas-diyes ng gabi pero wala pa rin si Angelo. Pinahanap sa akin ni Mama. Nakita ko siya sa palaruan. Nagmumuni-muni. Nagninilay-nilay. Isinama ko na pag-uwi. Pero piningot ko muna tapos pinagsabihan.
"Tumatae si Kuya!"
(Putik! Heto na naman siya. Teka, maghuhugas lang ako ah?)
Thanks!
Wednesday, February 11, 2009
Sipat sa Aking Ebridey Layp
Lunes ng umaga, tirik na ang araw subalit ako'y nahihimbing pa rin sa aking higaan. Ito ang unang araw ng kalbaryo para sa mataas na marka. Ito ang unang araw ng pagdaluyong sa mga nakakasulasok na anyo ng pagsusulit.
(Tumunog ang alarm clock.)
Naalimpungatan ako. Marahan kong idinilat ang talukap ng aking mga mata. Pinatay ko ang alarm clock. (O, ayan, makakatulog na ulit ako. Wala ng istorbo. Zzzz)
Ako ang tipo ng estudyanteng hindi nagrerebyu sa gabi. Ang karaniwang ginagawa ko ay isini-set ko ang alarm clock ng madaling-araw, gigising para patayin ang orasan, pagkatapos ay matutulog na ulit.
Magigising ako 'pag sobrang late na ako. Magmamadali akong kakain ng agahan at maliligo sa banyo. Ipapaplantsa sa tita ko ang aking uniform tapos isang oras na aayusin ang sarili sa harap ng salamin.
(Mabilis akong kumilos kapag huli na ako sa klase lalo na't may nakatakdang pagsusulit. Sa mga araw na ito, hindi ko na kailangan ng ehersisyo dahil kumakain na ng sangkaterbang calories ang aking mabilisang pagkilos. Ngunit kahit anong bilis ng aking pagkilos, late pa rin asusual. :c )
Bago ko lisanin ang bahay, may mga eksenang papasalihin pa ako ng B.I. kong mga tita para sumali sa Bingo. Minsan, aasikasuhin ko pa ang nakababata kong kapatid na nagtatago sa mga sulok ng bahay sa pag-aakalang hindi ko siya makikita, tapos hindi na siya makakapasok. Pero siyempre wais ako! Siya muna ang papapasukin ko tapos saka na ako aalis ng bahay.
Minsan, inihahatid ko pa sa paaralan ang aking kapatid. Ilang metro lang ang layo ng eskwelahan nila sa aming bahay, pwede nang lakarin. Pwede mo pa ngang gapangin eh. (Promise.)
Ooops, may nakalimutan ako! Siyempre hindi dapat makalimutan ang aking baon. Bago ako bigyan ng mahal at butihin kong ina, kailangan ko mong kumbinsihin siya tungkol sa kahirapan ng Pilipinas at ang suliraning pampinansyal na hinaharap ng ekonomiya. Grabe, parang debate bago dumampi sa aking kamay ang isang daang piso! Minsan, 'pag alam kong may barya pa siya sa bulsa, hihingi pa ako ng pamasahe. At alam mo ang idinadahilan ko? Barya lamang sa umaga.
Pagkatapos, papara na'ko ng traysikel patungong Pier. Kalimitang sa likuran ako ng sasakyan sumasakay dahil kapag matuling magpatakbo ang drayber, may libreng hairstyle ako!
Sa Pier, sasakay ako ng dyip papuntang SM Manila o kaya Quiapo. Pero sa mga araw na superlate na ako, siyempre diretso SM na 'ko! Nakakatuwang dumaan sa SM kaysa sa Quiapo 'no!
Apat na beses sa isang linggo, naka-uniform ako. (P.S. Marine Transportation ang course ko. Nai-imagine niyo naman siguro kung anong hitsura ng uniform ko 'di ba?) Maangas ako kung maglakad. Maraming lumilingon sa akin. Astig daw! Cool.
Sandali kong nalalanghap ang bango ng aircon sa loob ng SM dahil kailangan ko ng magmadali sa pagpasok. Sa likod ako ng SM sasakay patungo sa aking pamantasan. Makakasabay ko ang mga estudyante ng CEU, NTC, San Sebastian at mga empleyado ng mga softdrinks corporationpamantasan.
At last, papara ako sa harap ng gate ng TIP. Isang tawid na lang at makakapasok na ako sa aking minamahal na paaralan. Kukunin ko sa loob ng bag ang aking ID para isungalngal sa mga epal na guards. Minsan kung mamalas-malasin talaga, hahalungkatin pa nila ang laman ng bag ko. Makikita nila ang aking beauty kit sa loob! OMG, may baby powder, lotion, perfume, suklay, candy wrapper, USB flash disc, file case at G-tec.
'Pag pinalad na makalampas sa stage na iyon, titingala ako. Dahil sa pagtingala ko, masisilayan ko ang higante at mahiwagang orasan na nakasabit sa dingding ng congregating area. Iyon ang magpapaalala sa akin na ako'y late na!
(99% ng pagkakataon, napapamura ako kapag napapatingala ako. "Putik!" ang paborito kong mura.)
Kahit late na 'ko, dadaan muna ako sa CR para mag-retouch. Pagkatapos, iinom sa drinkingfountain tapos maglalakad sa catwalk ng study area. Nakayuko ako kapag maglakad kasi medyo shy type ako. (Don't worry, hindi siya halata. Lalo na kapag nakakita ako ng pagkain.)
In the end, tatambay na lang ako sa school publication office para ayusin ang aking pendingarticles at tuluyang liliban sa aking klase. But wait, dahil examination week ngayon, ipe-pursue kong makapasok ng klasrum sa ayaw at sa gusto ng aking prof!
Punctuality is the name of the game. In my seventeen years of existence on Earth, hindi ko pa rin alam ang time management. Oo, kahit yata ang spelling n'un hindi ko alam eh. (Swear!)
Ito ang karaniwang nagaganap sa aking pang-araw-araw na pamumuhay. Ordinaryo para sa akin ngunit kakaibi para sa'yo. (Hindi ba?)
na may planta malapit sa aking

Monday, December 15, 2008
Half Here, Half There
It is the last day of the month.
The perpetrator spares no one.
If only a mortal could perform multiple tasks at the same time, there would no problem then. The round-the-clock store turned off its lights. Then, she fled from street to street in the rhythm of the rain - drowsy, weary and hungry.
The footsteps got slower as it reached the door. Silence reigned as the hide-and-seek commenced. The door opened, the game got exciting.
She let out a sigh of relief before entering the lecture room. This moment, she will not count money. But jot down notes instead.
Dolls dressed elegantly fell on the floor. A picture frame on the desk crashed, the glass broke into pieces as it touched the ground. It was a picture of a happy family without a father.
There she is, waiting for a ride. She kissed the darkness goodbye as she walked towards the halted cab. It was just a couple of minutes.
Screams echoed in every corner of the room as the innocent blood tainted the floor. Innocent angels begged mercy but the monster granted none. As if he was draining all the life remained in their good heart. They uttered their mother’s name as they took their final breath.
She finally got home with her children’s favorite food. Excitedly, she opened the wood-carved door of the apartment. Her world shattered as darkness faded and revealed a horrendous sight.
Then the solemn night turned vile as she struggled for survival.

Subscribe to:
Posts (Atom)